Ang hirap

Sadyang napakahirap ng pakiramdam ko ngayon. May sakit pa ako at sabay-sabay pa silang nagsidatingan. Ubo, sip-on, sakit sa ulo, tuhod, sakit sa lalamunan at ni hindi ako makakain ng maayos at nahihirapan akong magsalita, at dinagdagan pa ng pagkarami-raming problema mula sa bahay hanggang sa paaralan.

Hirap na hirap kami ngayon. Ang daming utang na nakabaon at ang hirap hukayin. Daming gastusin, daming nagkakasakit. Parati pa ang ulan, iyan tuloy hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga patak ng ulan na nag-iistorbo sa akin sa mumunti kong panahon na makapagpahinga. Dagdagan paba naman ng problema sa pag-aaral kagaya ng mga proyekto, sa mga guro, klasmyts at kung anu-ano pa. Tulong!!! Sadyang kay hirap ng buhay na ganito.

Parang gusto kong tumigil ang mundo kahit sandali man lang upang makalimot. Makalimot sa ganitong mga pangyayari na lubos na nagpapahirap sa mundong aking ginagalawan. Makalimot sandali na hindi ka nag-aalala sa iyong gagawin para sa darating na bukas. Ano ba?

Gusto kong magpahinga, matulog, kumain, manood ng mga pelikula at palabas sa telebisyon, mamasyal sa park, magvideoke, makipaglaro sa mga bata, umupo habang pinagmamasdan ang paglubog at pagsikat ng araw at kung anu-ano pa. Pero heto nga, sadyang ang daming hadlang. Sadyang ang daming kahirapan.

Sana manalo ako sa lotto. Pero, paano ba naman ako mananalo sa lotto kung hindi ako tumataya? Ano ba? Hayyy, buhay talaga! Sana man lang mamaya may magagandang mangyari sa akin kahit man lang magkapera ako at sana rin masarap ang ulam.

Sige, uwi na ako dahil ang dami ko pang gagawin.

7 comments:

  1. Thanks for dropping by my blog. cheers.

    ReplyDelete
  2. i knw what makes u smile.. ME.. hehehe just think about me at lalong gugulo ang mundo mo heheh joke.. btw kahit dito 'weve shared a lot and i felt your pain too. kung alam ko lng pano kita eh comfort sana magawa ko..

    love you fwend...

    Hope everythings well on your side.

    ym ko: sedfre_21
    friendster ko: sedfre21@yahoo.com

    have a nice weekend... Don't forget to smile.. i here kahit dito lng sa blog...

    ReplyDelete
  3. kahirapan, utang, pera...araw-araw na lang yan ang pinoproblema...tama nga naman, malaking isyu nga. minsan, iniisip natin na manalo sa lotto lang ang solusyon...heheh...sana dba? pero hindi eh.

    try not to worry about things you dont have any control...yet. let tomorrow worry about itself...WTF am i talking about ba...??? hehehe, ala lang...

    ReplyDelete
  4. @swipe: salamat din.

    @ice: salamat kaayo ug dako ha. FC jud kaayo tabah bisag wala pa nagkailahay jud ug nakita. Hehhehehehhe...

    @norwynn: sir doctolero ni noh???? hehehehhehe, kaw sir ha..basa-basa diay ka ako blog. Salamat sa pagcomment ha. Dili man makita imong profile ug blog oi gidisable mani for display. Ngano???

    ReplyDelete
  5. Sadyang kay hirap ng buhay. Hindi lang ikaw ang naghihirap sa ngayon, marami tayo.

    ReplyDelete
  6. Hey Alma, drop by anytime :)
    Good luck with feeling mushy :)
    I liked the story you posted, I have felt haunted like that many a time !

    ReplyDelete
  7. @anonymous: oo nga, tama ka talaga.

    @miss13: thanks for dropping by in my blog. Yeah, the same with mine always haunted by this someone.

    ReplyDelete

Post Top Ad