Parang ang sarap kumain ng pizza ngayon. Namiss ko tuloy itong Philly Cheese Stick na natikman namin sa Old Spaghetti House sa SM Cebu. Pagod na pagod kami that time after a long walk from Taoist Temple kasi hapon na ng dumating kami at hindi kaagad kami nakahanap ng taxi pauwi. So naisipan naming magdrop by muna sa SM at kumain. Naghanap kami ng makakainan na hindi namin nakikita sa Davao at hayon, napunta kami sa The Old Spaghetti House.
Isa ito sa mga inorder namin at ito ang pinakamasarap. Ito ay 255 pesos at good for 2-3 persons.