Sinong praning?

Ikatlong araw na ngayon simula nung nagkaroon ng defense sila at praning pa rin ako ngayon. Alam niyo bah kung bakit nasabi kong praning? Ito ang kwento...

Walang tulog pero hindi ko gustong matulog dahil ang dami ko pa talagang gagawin. Lunes na lunes iyon inaantok talaga ako. Nagkape nako ng makailang ulit, uminon na ako ng lipovitan pero ayaw parin - inaantok pa rin ako. Text na ng text ang mga groupmates ko para pumunta ako sa skul kasi nga aalis daw si sir sa hapon may lakad siya. Gustong-gusto ko nang lumipad papuntang skul pero hindi ko magawa. Bakit kamo? Para kasi akong lasing na buntis na ewan ko ba. Masakit ang tiyan, nagsusuka, nahihilo, masakit ang ulo, inaatake ng rayuma, arthritis at kung anu-ano pa. Di ko malaman o mawari kung ano na bang nangyayari sa katawan kong ito. Humiga ako, nagpagiling-giling sa kama, kumain, tumayo, umupo, pumunta ng CR ng makailang ulit pero ayaw parin. Sadyang tinotorture talaga ako. Ewan ko bah.


Subalit ng sumapit na ang alas dos ng hapon naging parang konting maayos na ang aking nararamdaman kaya nman naligo kaagad ako, nagbihis at pumunta sa aming consultant bago paman sa skul. Datapwa't inatake na naman ako ng antok kaya pumasok ako ng Victoria Plaza at nag-order ng kape. (Kape na naman!) Iyong espresso na para di talaga ako antukin. Okay, so okay na siya. Kaagad din akong pumunta sa bahay nila sir Anque. Katok ng katok pero walang sumasagot at bigla nlang tumunog ang cellphone ko. Toink! Wala pala siya doon, nasa opisina. Sadyang wala talaga ako sa sarili. Nakalimutan kong dapat doon pala ako sa opisina pumunta.

Dahil sadyang malapit ng lumubog si araw, nagdesisyon akong pumunta nlang sa skul at ipakita kung ano man ang aking nagawa. (Nagsisimula na pala silang magdefense). Alam mo ba kung ano ang ginawa ko? Tama ba namang gustong makinig pero nasa labas, pinagmamasdan lang sila. Paano ko maririnig ang mga comments nila eh nandoon ako sa labas. Ewan ko ba kung bakit ganun ang ginawa ko. Ilang grupo na ang sumalang pero hindi talaga ako makuntento. Labas pasok ako kung nagtigil man at nakinig doon pa sa labas. Maingay din ako ng panahon na iyon at tawa ng tawa kaya naman ang mga kasamahan ko ay labis na nagtaka. Hahhahahaha...tama ba naman iyon? Hindi ko mawari bakit ganun ang nararamdaman ko. Tawa ng tawa at ang lakas pa ng boses.

Pero ang tawang iyon ay kaybilis ding nawala dahil pagdating sa bahay lalo na kagabi, ang puso ko naman ay nadurog. Kung online siguro kayo noon magtataka talaga kayo kung bakit paiba-iba ang status message ko at hindi na maaccess ang blog ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa aking nalaman. Umiiyak na naiinis, na nalilito, nagagalit na gustong magpakalma na anu-ano, na anu-ano, na anu-ano. First time kung mabrokenhearted ng ganoon katindi. Ang sakit talaga super! Ganoon pala iyon? Nakakainis nga eh kasi timing pa na nagkakaproblema kami sa thesis at ninakaw pa ang cellphone na ginagamit ko para sa thesis namin. Hiniram ko lang iyon. Kung sino mang *p! ang kumuha noon, ibalik mo na! Mas lalo mo akong ginawang praning! Saan na ako ngayon manghihiram ng cellphone? Eh sira pa ang cellphone. Hindi pa dumating ang pera ko kaya hindi ako makabili ng bago.

Hayyy...sana bukas masolusyonan na ang lahat ng ito ng hindi na ako maging praning. Pero hangga't hindi matatapos ang thesis nato, praning parin ako. Praning kung makakagraduate ba o hindi? Pero sabi nga ni leizl, habaan ang pasensiya at konting tiis pa. Tama na rin ang drama sabi pa ni grace (parang nagkabukol ako sa post niya eh pero hindi kami susuko). Hehehehehehe...iyon lang! Praning o hindi? Wla lang..ikaw na ang bahalang humusga.

10 comments:

  1. Saddest Picture Sinu kaya. . open mo kaya tong link baka siya to ehehe

    ReplyDelete
  2. hi.. hehe... ahmm... ok lang... gi-add ko na ang link mo sa akin... hehe.. thx..

    ReplyDelete
  3. ate.. my isa pa pla akong blog.. hehe.. sa blogsome.. shadelms pa rin.. pero blogsome lang.. hmm... http://shadelms.blogsome.com/ hehe.. thx..

    ReplyDelete
  4. ayaw kaau palabi inom ug kape ritch. maka praning dyud na.

    ReplyDelete
  5. Kaya mo yan... go go go! fighting2x!!

    ReplyDelete
  6. @shadelms: Nahuman na nako update ako blogroll. hehehehehe. Shadelms jud? Combination sa imo palalabs noh?

    @mr.9: Addict najud ko ug kape sauna pa. Katong bata pako, liwat man gud ko sa akong papa pero labaw jud akong papa bisag unsaon. Dili mabangbang. Dili lum-an ang kape kung dili mahurot mao ng taguan nalng nmo. hehehehehhehehe

    @sean: Thanks! Imo unta gibutang imo link oi..maglibog man gud ko sa nagacomment at least mailhan taka jud. hehehehehhehe

    ReplyDelete
  7. U rip wat u hab started! God bles 2 u 4 being irespansibol! do nat 2 emosyonal, it s yusles!

    ReplyDelete
  8. hi ate sa lamat sa coment nimu...hehehehe...puro ka kornihan ang mga sulod sa akong blog noh?!wEll,,,,,hehehehehehhehe..

    ReplyDelete
  9. wla lang me magawa.. hehehe.. keep it up.. good luck..

    add mo ko sa link mo ha..

    thanks..

    ReplyDelete
  10. @anonymous: *zip my mouth. Respect your opinion.

    @hyzel: Unsa imo link? huhuhuhuhu...

    @conqueror: Sige, sir..update lang nko ako blogroll..ehehhehehe

    ReplyDelete

Post Top Ad